Pamilya minasaker; 2 patay, 2 grabe
July 25, 2001 | 12:00am
Malagim ang sinapit na kamatayan ng dalawang miyembro ng isang pamilya samantalang nasa kritikal na kondisyon ang mag-ina makaraang bistayin ng bala ng kalabang-angkan sa Maguindanao noong linggo.
Sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, magkayakap pang nasawi ang mag-amang sina Loti Samat, 36 at anak na si Gulaloson, 14, matapos na magtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agaw-buhay naman ngayon sa Lambayong Hospital ang misis ni Loti na si Gao Samat, 34 at isa pa nilang anak na si Pendatun, 9.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling araw nitong nakaraang araw ng linggo nang ratratin ang pamilya sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Logpond, Brgy. Masulot, Sultan Barongis sa nasabing lalawigan.
Hindi nabatid ang bilang ng mga armadong kalalakihang pumaligid sa bakuran ng bahay ng pamilya Samat.
Mabilis umanong nakapagtago sa ilalim ng kanilang higaan ang nasugatang mag-ina samantalang walang nagawa si Loti kundi yakapin na lamang ang katabing anak na lalake habang niraratrat ng mga salarin ang kanilang mga katawan.
Ayon sa mga saksi na kapitbahay ng mga biktima, ang mga suspek umano ay posibleng "hired killers" lamang ng kalabang-angkan ng pamilya Samat.
Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang motibo ng krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest