Lolo lasog sa tren

BAAO, Camarines Sur — Isang 77-anyos na biyudong lolo ang iniulat na nasawi makaraang mahagip ng rumaragasang tren habang ang biktima ay tumatawid sa riles kamakalawa ng hapon sa Brgy. Agdangan ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktimang nagkahati-hati ang katawan na si Mariciano Botor ng nabanggit na barangay.

Napag-alaman na hindi napansin ni Arnulfo Cajo, driver ng aircon tren na tumatawid ang biktima bandang alas-4:30 ng hapon patungong Maynila mula sa Legaspi City.

Pinaniniwalaang may kapansanan ang biktima sa pandinig kaya hindi nito narinig ang malakas na busina ng tren at nagtuluy-tuloy pa rin tumawid. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments