Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Nemencio Joaquin, 48, alyas Bayawak; Roberto Robledo, alyas Rubledo at Lamberto Pangilina, alyas Tutung na pinatay ng mga pinaniniwalaang grupo ng vigilante na laban sa mga drug pushers.
Sa ulat na isinumite ng pulisya na isinumite kay P/Supt. Anselmo Baluyut, hepe ng Gapan PNP station, si Robledo ay pinatay noong Hulyo 15 habang sina Pangilina at Joaquin ay tinodas noong Hulyo 13 na may nakalagay sa kanilang dibdib sa isang pirasong karton ang katagang "total out war sa mga pushers".
Nabatid pa sa ulat ng pulisya na isinulat na rin ng grupong vigilante ang 10 pangalan ng mga kilabot ng drug pushers na kanilang itutumba sa mga darating na araw. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)