Party pinasabog: 23 katao grabe
July 16, 2001 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Tinatayang aabot sa dalawamput tatlong estudyante ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang pasabugan ng pill box ng isa ring estudyante ang idinaraos na birthday at victory party ng mga biktima kahapon ng madaling araw sa Barangay Sta. Cristina 2 ng bayang ito.
Ang biktima na ngayon ay nasa J.P. Hospital dahil sa tinamong sunog at sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan ay kinilalang sina Analyn Salvador, 17, ng Brgy. Burol 3; Henry Manzano, 16, ng Brgy. Sta. Fe; Leegee Alvarez, 19, ng Brgy. Burol 3; Melchor Aliman 19, ng Brgy. Burol 3; Nancy Clarito 18; Jackilou Tarog, 16; Jerliza Tarog, 16; kapwa ng Sta. Cristina 2; Marigine Hernandez, 15; ng Sta. Cristina; Elmor Magayones, 9, grade 6; Diovanni Yanoria, 16; Erick Garcia, 20; Marvin Timbao, 15; Ryan Gonzales, 20, Michie Vivar, 13; Shierley Hernandez, 8; Josephine Agustin 8; Katherine Estacio, 18; Percival Rodriguez, 13; grade 3; Oliver Lantaco, 15; Galvin Lavajo, 20; Enrique Dela Fuente, 18, Jar-Ar Biglain, 13, grade 6 at Gary Vanoria, 14.
Samantala, ang suspek na kaagad naman nadakip at ngayon ay nakakulong sa Dasmariñas PNP detention cell ay nakilalang si Richmond Ladan, 16, ng Brgy. Sta. Fe ng bayang ito at pinaniniwalaang lango sa ipinagbabawal na gamot.
Sa ulat ni PO3 Jo Patambang kay P/Chief Insp. John Bulalacao, hepe ng pulisya sa bayang ito, naganap ang pangyayari dakong ala-1:30 ng madaling araw habang nasa kainitan nang pagsasayaw ang mga biktima sa ibinigay na birthday party ni Brgy. Captain Federico Cahidoy kasabay ng victory party dahil sa nanalo ang ilang biktima sa basketball championship.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na nagkaroon ng alitan ang dalawang kaibigan ng suspek na sina Edo at Raymond sa isa sa mga biktima.
Nabatid pa na nakihalubilo ang suspek sa away ng kanyang dalawang kaibigan hanggang sa nauwi sa mainitang pagtatalo bago maghagis ng pill box ang suspek sa kalagitnaan ng sayawan ng naturang lugar. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest