^

Probinsiya

Abu Sayyaf Group demoralisado na

-
Demoralisado na ang grupo ng bandidong Abu Sayyaf bunga ng pagkakadakip sa kanilang Chief of Staff na si Nadzmie Sabdullah alyas Commander Global, isa sa mga kinikilalang lider ng naturang grupo.

Ito ang inihayag kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan.

Sinabi ni Adan na ang pagkakaaresto kay Commander Global ay hudyat na ng tuluyang pagbagsak ng grupo ng Abu Sayyaf na patuloy sa paghahasik ng terorismo sa iba’t ibang dako ng Western Mindanao partikular na sa Sulu at Basilan.

"Ang pagkakadakip kay Sabdullah ay isang malaking kawalan sa hanay ng mga bandido," pahayag pa ni Adan.

Aniya, ang pagpatay ng naturang grupo laban sa mga inosenteng sibilyan ang siyang nagiging dahilan ng pagkabalam ng maraming proyektong pangkaunlaran ng pamahalaan sa rehiyon ng Mindanao kaya’t lalong dapat na ang mga ito’y mapuksa at ng makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Magugunita na si Sabdullah na may patong sa ulong P5M kasama ang tatlo nitong security aides ay nadakip nitong nakalipas na Hulyo 8 ng gabi sa kanilang hideout sa Brgy. Calumpang, General Santos City.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang "dragnet operations" upang malambat ang iba pang lider ng Abu Sayyaf partikular na sina Janjalani at Sabaya na siyang utak ng pangho-hostage sa Dos Palmas Beach Resort sa Puerto Princesa, Palawan noong nakalipas na Mayo 27. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ADAN

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHIEF OF STAFF

COMMANDER GLOBAL

DOS PALMAS BEACH RESORT

EDILBERTO ADAN

GENERAL SANTOS CITY

JOY CANTOS

NADZMIE SABDULLAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with