3 kabataan nalunod sa kanal
July 11, 2001 | 12:00am
ALIAGA, Nueva Ecija Tatlong kabataang lalaki ang iniulat na nalunod sa irrigation canal sa Brgy. Poblacion West III ng bayang ito noong Hulyo 6 ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na sina Jose Pabelano, 16, ng Brgy. Santiago; Dan Ablaza, 12 at Jose Gamboa, 15, na kapwa residente ng Brgy. San Emiliano, Aliaga.
Nabatid sa ulat ni Nueva Ecija PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Raul Bacalzo, nagkatuwaan umano ang mga biktima na maligo sa nasabing irrigation canal.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, malimit na magkakasamang naliligo ang mga biktima dahil sa mababaw ang tubig subalit sa nagdaang bagyong "Feria" ay napuno ang naturang irrigation canal.
Kaya linggid sa kaalaman ng mga biktima ay biglang lumalim ang tubig kaya naganap ang trahedya dahil sa pawang mga hindi marunong lumangoy ang mga biktima.
Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng mga biktima na lumulutang na lamang sa irrigation canal ng Barangay San Emiliano ng bayan ito. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest