^

Probinsiya

3 hijackers ng kargamento tiklo

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Tatlo sa pitong kalalakihan na pawang mga miyembro ng sindikato ng hijacking na may modus operandi sa Laguna at Batangas ang nasakote ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group 4-Special Operation Team kamakalawa ng tanghali sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City, Manila at Calamba.

Kinilala ni P/Supt. Maximo Malabanan, hepe ng CIDG 4 chief ang mga nadakip, na suspek na sina Emiliano Santiago, 54 ng Quirino Ave., Q.C., Ben Morales ng Manuguit, Tondo, Maynila at Rolando Raagas, lider ng sindikato.

Habang tinutugis naman ng mga operatiba ng CIDG ang apat pang miyembro ng sindikato na kinilalang sina Oscar Cenon at ang magkakapatid na Nestor, Ariel at Ramon Raagas.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, ang nasabing grupo ay responsable sa naganap na hijacking sa isang truck ng kargamentong electronic devices na nagkakahalaga ng P6 milyon noong nakaraang buwan sa Cabuyao, Laguna na nagresulta rin sa pagkamatay ng driver nito.

Dahil sa impormasyong nakalap nina SPO4 Rosevelt Legaspi at P/Chief Insp. Romulo Reyes ng CIDG4-SOT hinggil sa pinagkukutaan ng mga suspek ay kaagad na bumuo ng team si CIDG Director Chief Supt. Nestorio Gualberto na naging sanhi upang madakip ang mga suspek sa Pa-Alto, Calamba, Laguna. (Ulat ni Ed Amoroso)

BEN MORALES

CALAMBA

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR CHIEF SUPT

ED AMOROSO

EMILIANO SANTIAGO

MAXIMO MALABANAN

NESTORIO GUALBERTO

OSCAR CENON

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with