13 katao grabe sa bomba
July 9, 2001 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Labintatlo katao kabilang na ang isang sundalo ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang masabugan ng inihagis na improvised explosives sa General Santos City at Maguindanao kahapon ng madaling araw, ayon sa ulat ng militar.
Nabatid sa ulat ng militar na ang unang pagsabog ay naganap dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa Ihaw-Ihaw Constar Lodge sa kahabaan ng Pioneer Ave. sa General Santos City. Ang ikalawang pagsabog ay naganap dakong alas-7:45 ng umaga noong Miyerkules sa Upper Iginabampong, Shariff Aguak, Maguindanao.
Sa pahayag ni Lt. Col. Danilo Servando, tagapagsalita ng Armed Forces Southern Command na ang mga biktima ay malubhang nasugatan dahil sa may naghagis ng bomba sa rooftop ng naturang lugar na kasalukuyan pang hindi nakikilala.
Sa kasalukuyan ay hindi pa mabatid ang mga pangalan ng mga biktimang nasabugan ng bomba sa nasabing lodge. (Ulat ni Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest