Bahay ng ex-mayor niratrat ng NPA rebels
July 9, 2001 | 12:00am
SORSOGON CITY Pinaulanan ng bala ng malalakas na kalibre ng armas ng mga hindi kilalang kalalakihan ang bahay ng talunang alkalde nitong May 14 elections kahapon ng madaling araw sa Sitio Banao, Brgy. Salvacion Bacon District ng nasabing lungsod.
Nabatid sa ulat ng pulisya na pinagbabaril ang bahay ni dating Bacon Mayor Leovic Dioneda dakong alas-2 ng madaling-araw habang walang naiwang katiwala at pamilya ng nasabing dating alkalde.
Bago naging mayor si Dioneda ay naging sundalo ng Phil. Navy bago naging kasapi ng Rebolusyunaryong Alyansang Makabayan (RAM) at may paniniwalaang mga miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang may kagagawan ng pangyayari.
Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa naganap na pangyayari maliban sa milyong halaga ng ari-arian ang nawasak sanhi ng mga tama ng bala ng baril. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest