Coed na drug courier, nasakote
July 7, 2001 | 12:00am
CABANATUAN CITY Isang 17-anyos na estudyanteng babae ang iniulat na dinakip ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcemeent Group (PDEG) makaraang makumpiskahan ng ilang sachet na shabu na nakalagay sa kanyang medyas sa Brgy. Aduas Centro ng lungsod na ito kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang suspek na itinago sa pangalang Ana ay estudyante ng Science and Technology Institute (STI) at residente ang E. Rodriguez st. Kamuning, Quezon City.
Nakumpiska sa suspek ang may 18.73 gramo na shabu na nagkakahalaga ng P30,000 at ibibigay sa isang alyas Pogi ng Brgy. Aduas Centro.
Nabatid sa ulat ni Nueva Ecija PNP Director P/Sr. Supt. Paul Bacalzo, ang nasabing shabu ay ibinigay kay Ana ng kanyang inang si Dolor at inutusang ibigay sa naturang alyas Pogi. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended