Nabatid sa ulat ni Marissa Villanueva, isang officer ng MSWD sa naturang bayan na ang pangyayari ay naganap sa pagitan ng alas-12 hanggang alas-4:00 ng madaling araw.
Napag-alaman na dumaan ang mga magnanakaw sa bubungan ng bodega na pinag-iimbakan ng mga relief goods na ipamamahagi sa Mayon evacuees sa ibat ibang evacuation center sa Albay.
Kasunod nito, ibinaba na sa Alert Level 4 mula sa dating Alert Level 5 ng pamunuan ng Philippine Volcanology and Seismology (Philvolcs) ang Mayon volcano.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) mula sa Phivolcs na bagamat walang tigil ang pag-ulan sa Albay ay na-obserbahang panandaliang nanahimik ang Mayon volcano kaya naibaba na ang alert level.
Pinayagan na rin ang ilang residente na naunang inilikas na muling bumalik sa kani-kanilang lugar na sakop ng 8 kilometer Permanent Danger Zone (PDZ). (Ulat nina Ed Casulla, Angie dela Cruz at Joy Cantos)