9 timbog sa shabu pot session
June 29, 2001 | 12:00am
CABANATUAN CITY Siyam katao kabilang na ang limang kababaihan na pinaniniwalaang mga adik ang naaresto ng mga tauhan ni P/Supt. Laverne Manangbao makaraang maaktuhang nagsa-shabu session kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Dicarma ng lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na ngayon ay nakapiit sa PNP detention cell na sina Venerando Esteban, 33; Olivia Martinez, 42, na kapwa ng Purok 2, Aduas Sur; Melanie Edusma, 28; Rodolfo Garcia, 33, Joel Liwag, 25, ng Dicarma; Susan Alla, 28; Heidi Bautista, 26; ng Sanciangco St.; Resty Caisip ng Vega, Bongabon, Nueva Ecija at isang menor-de-edad na itinago sa pangalang Agnes, 14, ng Bantug Norte.
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang pagsalakay dakong ala-1:30 ng madaling araw makaraang makatanggap ng impormasyon si SPO3 Rolando Magpo sa isang impormante.
Nakumpiska ng pulisya sa mga suspek ang hindi nabatid na gramo ng shabu at mga paraphernalia na ginagamit sa shabu session. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest