Trike driver dedo sa salpok ng kotse

GENERAL TRIAS CITY, Cavite – Isang 34-anyos na tricycle driver ang iniulat na nasawi makaraang salpukin ng rumaragasang kotse sa kahabaan ng Barangay Tejero ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gregorio Barbuco, 34, may asawa ng Barangay Bacao ng naturang lugar.

Habang ang suspek na boluntaryong sumuko ay kinilalang si Bernaleen Parungao, 22, may asawa , may-ari ng nakasagasang Toyota Revo na may plakang WGF-908 at residente ng Brgy. Timalan, Naic, Cavite.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Felimon Colocado, may hawak ng kaso, naganap ang aksidente dakong alas-2:30 ng hapon habang papaliko ng kaliwa ang minamanehong trike ng biktima ay biglang sumulpot ang kotse ng suspek sa naturang lugar. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments