Nabatid sa ulat na mabilis namang isinugod sa Riverside Medical Center at Doctor’s Hospital ang mga biktima nang nagrespondeng Emergency team ng naturang kompanya.
Ayon kay Safety Officer Noel Lopena, dakong alas-8:15 ng umaga ng kumalat ang nakakasukang amoy na nagmula sa nawasak na otolizing tank sa gusali ng production ng beer.
Tumagal ng may 30 minuto ang pagkalat ng nakakalasong amoy sa loob ng naturang eskuwelahan.
Idinagdag pa ni Lopena na namataan niya ang mga estudyante na nagsusuka, nagrereklamo ng paninikip ng dibdib, pananakit ng ulo at tiyan kaya nag-panic ang mga ito sa loob ng nabanggit na school.
Napag-alaman naman kay Dr. Jovy Vergara ng City Health Department na maaaring ikamatay ng mga biktima kung sakaling hindi kaagad nakumpuni ang nasirang tangke na ginagamit sa pagproseso ng waste yeast.
Kasalukuyang naman nagpatawag na ng technical conference si environmental officer Benjamin Cuales Jr. ng DENR upang pag-usapan at imbestigahan ang naganap na pangyayari. (Ulat ni Antonieta Lopez)