^

Probinsiya

Mayon Update: 28,000 inilikas na

-
LEGASPI CITY, Albay – Tinatayang aabot sa 5, 000 pamilya na may kabuuang 28,000 katao na naapektuhan ng sumabog na Mayon volcano noong Linggo ng hapon ang inilikas na at ngayon ay nasa mga itinayong evacuation center.

Base sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mga evacuation center ay matatagpuan sa Binitayan Elementary School, Daraga North Central School, San Jose Elem. School, Camalig Central School, Guinobatan East Central School, San Andres Resettlement sa Sto. Domingo, Gogon Elementary School, Bagumbayan at Albay Central School.

Idineklara na rin ni Albay Governor Al Francis Bichara ang 10 bayan sa ilalim ng State of Calamity dahil sa naganap na pangyayari.

Ang pagdedeklara ni Gov. Bichara ay sinang-ayunan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pamamagitan ng pagpapalabas ng isang resolusyon na ginanap sa special session kahapon.

Kabilang sa mga bayan na idineklarang nasa State of Calamity ay ang Tabaco City, Malilipot, Sto. Domingo (1st district), Legaspi City, Daraga, Camalig (3rd distict), Guinobatan, Ligao City, Oas at bayan ng Polangui (3rd district).

Kasunod nito, mabilis namang pinakilos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si DSWD Secretary Dinky Soliman upang magtayo ng 10 pang karagdagang evacuation center dahil sa hindi inaasahang pagdagsa ng mga naapektuhang pamilya.

Nabatid naman kay Provincial Disaster Management Officer Cedric Daep na pansamantala munang sinuspendi ang lahat ng flight ng eroplano mula sa Maynila dahil na rin sa makapal na usok at abo na ibinuga ng naturang bulkan.

Sa kasalukuyan ay pinalawig ng dalawang kilometer Permanent Danger Zone mula sa anim na kilometro dahil sa patuloy na pagdaloy ng pyroplastic materials patungong Basud, Buyuan, Mabinit, Bonga, Miisi, Anoling, Maninila, Nabonton at Buang Channel na pawang sakop ng 6-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ).

Binalaan naman ng pamunuan ng Phil. Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga residente sa apektadong barangay na pansamantalang huwag munang bumalik sa kanilang bahay dahil may mga napapaulat na ilang mga residente ang muling bumalik sa kanilang lugar. (Ulat nina Ed Casulla,Angie dela Cruz , Ely Saludar, Felix delos Santos)

ALBAY CENTRAL SCHOOL

ALBAY GOVERNOR AL FRANCIS BICHARA

BINITAYAN ELEMENTARY SCHOOL

BUANG CHANNEL

CAMALIG CENTRAL SCHOOL

PERMANENT DANGER ZONE

STATE OF CALAMITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with