Wanted napatay sa ambush

BALINO, Masbate — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 37-anyos na lalaki ng mga armadong kalalakihan na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay naglalakad papauwi kamakalawa ng gabi sa Sitio Gawaygaway, Brgy. Lagta ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Noly Salcedo, alyas Tony, may asawa, jobless at may mga kasong nakabinbin sa Aroroy Municipal Trial Court.

Dakong alas-8:00 ng gabi nang tambangan ang biktima habang ito ay naglalakad sa madilim na bahagi ng naturang lugar.

May teorya ang pulisya na sinentensyahan ng grupo ng rebelde ang biktima dahil sa mga kasong attempted murder at frustrated murder sa nasabing korte.

Nabatid pa na ang biktima ay may standing warrant of arrest bago tambangan ng mga rebelde. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments