Bahay inararo ng jeep; 3 patay, 8 grabe
June 21, 2001 | 12:00am
PAMPLONA, Camarines Sur  Tatlo katao kabilang ang mag-asawang matanda ang iniulat na nasawi habang walo pang iba ang malubhang nasugatan makaraang araruhin ng isang pampasaherong jeep ang bahay ng mga biktima kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tambo, ng bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nasawi na sina Maximo Avila, 84, asawa nitong si Rosanna, 82 at ang apo na si King Arce Hernandez, 7, na pawang mga residente ng nasabing lugar.
Samantala ang mga biktimang malubhang nasugatan na sakay ng pampasaherong jeep na may plakang BLL-303 ay nakilalang sina Armento Agaton, 29, driver ng jeep; Para Hermoso, 50; Rosalle Enpania, 55, ng Muntinlupa City; Francis Robles, 33; Jericho Mendoza, 24; Rafael Bolaong, 30, na kapwa residente ng Malolos, Bulacan; William Bayones, 31, ng Las Piñas City; at Felix Sebastian, 54, ng Labo Camarines, Sur.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-9:26 ng gabi habang ang mga biktimang nasawi ay natutulog sa loob ng kanilang bahay.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, ang pampasaherong jeep ay patungong Maynila mula sa Naga City nang mawalan ng control ang driver kaya nagtuloy-tuloy ito sa bahay ng mga biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest