Coed patay sa hazing
June 20, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba Isang estudyanteng babae ang iniulat na nasawi makaraang pagtulungang gulpihin ng mga miyembro ng fraternity sa isinagawang initiation rites sa isang liblib na lugar sa San Pablo City, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Magdalena Dela Peña, 14, ng Brgy. II-F, San Pablo City habang ang mga suspek na hindi ibinunyag ang mga pangalan upang hindi maantala ang isinasagawang manhunt operation ay pawang mga miyembro ng Lakay fraternity sa naturang lugar.
Makaraan ang initiation rite sa hazing sa biktima ito ay nakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka kaya dinala kaagad sa San Pablo District Hospital subalit hindi ito umabot pa ng buhay.
Ang bangkay ng biktima ay may palatandaan na ginulpi muna dahil maraming pasa sa katawan bago hinataw ng matigas na bagay sa likurang bahagi at pinainom ng hindi mabatid na kimiko.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na inanyayahan umano ang biktima ng isang kaibigan na sumapi sa nasabing fraternity at nahikayat naman ito.
Bilang bagong kasapi ng Lakay fraternity ay isinailalim ang biktima sa hazing kaya natuluyang mamatay dahil sa matinding panggugulpi. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 21 hours ago
By Doris Franche-Borja | 21 hours ago
By Jorge Hallare | 21 hours ago
Recommended