Barangay kagawad pinatay sa sayawan
June 18, 2001 | 12:00am
San Francisco, Quezon Dahil sa nairita sa estilo nang pagsasayaw, isang 46-anyos na brgy. kagawad ang binaril at napatay ng kanyang pinsang lalaki kamakalawa ng gabi sa Brgy. Inabuan ng bayang ito.
Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo ay nakilalang si Eduardo Argao, may asawa ng Barangay Silongin habang ang pinsan namang suspek na kaagad nasakote ng mga nagrespondeng brgy. tanod ay nakilalang si Romeo Argao, 26 ng nasabi rin lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:00 ng gabi nang magkasabay ding magsaway ang mag-pinsan at dahil sa hindi nakursunadahan ang estilo nang pagsasayaw ng suspek ay biglang sinuntok sa mukha ang biktima.
Nabatid na sa impormasyong nakalap ng pulisya sa ilang testigo, napahiya umano ang suspek hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa suntukan hanggang sa magpangbuno ang mag-pinsan.
Nakuhang agawin ng suspek ang baril na nakasukbit sa baywang ng biktima bago pinaputukan ito. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest