Ayon kay C/Insp. Primitivo Tabujara, hepe ng Rodriguez police, naaresto ang 20 kabo at kolektor ng jueteng sa pangunguna ng table manager na isang alyas ‘‘Susan’’ sa isang operasyon kasama ang Task Force Jericho ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong Hunyo 2 sa may Brgy. Burgos, ng bayang ito.
Nakumpiska sa kanila ang tinatayang P3,037 halaga ng salapi, 55 piraso ng lastillas, 1 calculator at iba pang jueteng paraphernalias.
Unang-naiulat sa ilang source na pinalaya umano ng pulisya ang mga suspek matapos na iwanan sa kanila ng DILG at pinababalik na lamang upang sampahan ng kaso ang 10 na lamang sa kanila.
Tahasang tinanggi naman ito ni Tabujara at pinatunayang nakakulong sa kanilang piitan ang mga nadakip hanggang sa sampahan ng kasong paglabag sa Anti Illegal Gambling Law nitong nakaraang Hunyo 4 sa San Mateo Prosecutors Office. (Ulat ni Danilo Garcia)