^

Probinsiya

Suspek sa Aguinaldo slay sumuko

-
Kusang loob na sumuko kay National Capital Region Police Office Regional Director General Romeo Peña ang itinuturong isa sa mga suspek sa pamamaslang kay outgoing Cagayan Rep. Rodolfo Aguinaldo.

Ito’y makaraang maipalabas sa telebisyon ang nakuhang ID at mapanood ni Felix Robregado, 26, isang dating estudyante ng University of the Philipines, isang salesman at residente ng Lot 29, Block 2, Monteverde, GMA, Cavite na siyang itinuturong isa sa walong pumatay kay Aguinaldo.

Mariin namang itinanggi ni Robregado ang nasabing akusasyon laban sa kanya kaugnay sa pamamaslang kay Aguinaldo at sa police aide nitong si SPO1 Joey Garo noong June 12, 2001 sa tapat ng bahay nito sa Tuguegarao City, Cagayan.

Kasama ang kanyang abogadong si Atty. Rommel Quizon, nilinaw ni Robregado na kanyang pag-aari ang ID na nai-flash sa isang programa sa telebisyon ngunit matagal na aniyang nawawala ang nasabing ID.

Aniya, noong 1999 ay minsan siyang nagawi sa Cagayan kasama ang kanyang asawang si Lorna at nagsagawa noon ng research para sa Center for National Studies bilang isang sales agent.

At hindi niya napansin na nawawala na ang kanyang ID at nagulat na lamang siya ng may mag-text sa kanya na isang kaibigan at sinabi na ipinalabas sa telebisyon na isa siya sa suspek sa ipinalabas na cartographic sketches ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na kabilang siya sa walong suspek na pumaslang kay Aguinaldo.

Si Robregado ay kasalukuyang nasa custody ng CIDG na siyang nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa naganap na pag-ambush kay Aguinaldo at sa kanyang aid.

Kasunod nito, ang labi ni outgoing Gacayan congressman Rodolfo Aguinaldo ay dinala na kahapon sa Santo Niño Shrine sa Brgy. San Gabriel may 25 kilometro ang layo mula sa kanyang bahay sa Brgy. Libag upang magsagawa ng huling misa.

Dadaluhan ng ilang provincial officials ang gagawing necrological service bago dalhin sa hukay ang labi ni Aguinaldo sa Tuguegarao Catholic Cemetary sa Brgy. Ruyu.

Hindi naman pumayag ang pamilya ni Aguinaldo sa kahilingan ng ilang sektor at ilang grupo ng congresssman na dalhin ang labi ng nasabing congressman sa Batasang Pambansa sa Quezon City. (Ulat nina Rudy Andal at Lito Salatan)

AGUINALDO

BATASANG PAMBANSA

BRGY

CAGAYAN REP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

FELIX ROBREGADO

JOEY GARO

RODOLFO AGUINALDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with