Ang nasabing pagdiriwang ay sinimulan ganap na alas-6:30 ng umaga sa pamamagitan ng isang banal na misa, na sinundan naman ng pagtataas ng bandila na pinangunahan ni Speaker Belmonte, kaagapay si Bulacan Governor Josie dela Cruz, habang sinasabayan naman ng pagkanta ng pambansang awit.
Hinandugan din ng mga bulaklak ang bantayog ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Sa pangwakas na bahagi ng pagdiriwang ay binigyan din ng parangal ang nasabing tagapagsalita ng mababang kapulungan ng kongreso sa pamamagitan ng pagkakaloob dito ng dalawang sertipiko ng pagkilala bilang isa sa maipagmamalaking lider ng bansa, na nakahanda ring ipaglaban ang kalayaan para sa tunay na demokrasya.
Ipinagkaloob din kay Speaker Sonny Belmonte ang tatlong aklat ng kasaysayan ng ating mga ninuno kung papaano lumaban ang mga ito na magsisilbi namang ala-ala para sa kasalukuyang panahon at sa mga susunod pang henerasyon. (Ulat ni Efren Alcantara)