^

Probinsiya

War games binisita ni Guingona

-
SUBIC BAY FREEPORT – Bumisita kamakalawa si Vice-President at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teofisto Guingona sa Subic Bay upang personal na saksihan ang isinagawang joint military exercises sa pagitan ng US at Philippine troops sa bansa.

Personal din na sinalubong ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Felicito Payumo ang pagdating ni Guingona sa Subic Bay International Airport.

Nagsagawa ng "On-the-beach" tactical exercises ang 12-man team mula sa elite forces ng US Navy Seals at ng Special Warfare Group (SWAG) ng Philippine Navy sa dalampasigan ng Dungaree Beach sa Subic Bay Freeport na kapwa armado ng M-16 armalite riffles, smoke bombs at mga supistikadong communication devices.

Ayon naman sa mga opisyal ng Visiting Forces Agreement Commission (VFACOM) na ang 10-minutong live firing war games ng Amerika ay nagpapakita lamang na eksperto sa larangan ng tactical move at rescue operations laban sa mga terorista.

Maliban kay Guingona ay sinaksihan din ni US Embassy Media Affairs chief Michael Anderson at ilang miyembro ng media ang naturang war exercise sa Subic.

Aabot sa 1,200 US Navy contingents ang lumahok sa taunang joint military exercises na ginaganap sa bansa kasama ang ilang Filipino counterparts sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA). (Ulat ni Jeff Tombado)

CHAIRMAN FELICITO PAYUMO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DUNGAREE BEACH

EMBASSY MEDIA AFFAIRS

GUINGONA

JEFF TOMBADO

MICHAEL ANDERSON

NAVY SEALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with