13 pulis na 'durugista' sisibakin
June 10, 2001 | 12:00am
Labintatlong kagawad ng pulisya mula sa Davao City ang nalalagay ngayon sa balag ng alanganin makaraang mapatunayang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot habang ang mga ito ay naka-duty sa kanilang presinto.
Nabatid sa ulat mula sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ibinulgar ni SPO2 Abundio Dacuycoy ang umanoy lantarang paggamit ng kanyang mga kasamahang pulis ng ipinagbabawal na gamot sa naturang lugar.
Pansamantalang hindi muna ibinulgar ng DILG ang mga pangalan ng 13 pulis dahil nangangalap pa ng matibay na ebidensya laban sa mga suspek maliban sa ibinigay na salaysay ni Dacuycoy.
Kamakailan ay nagsagawa ng biglaang pagsalakay ang pulisya sa mga hinihinalang pinagkukutaan ng mga drug pushers.
Positibo namang itinuro ng mga nadakip na suspek ang mga pangalan ng mga pulis na gumagamit din ng droga. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 19 hours ago
By Victor Martin | 19 hours ago
By Omar Padilla | 19 hours ago
Recommended