^

Probinsiya

Grupo ng kabataan nagrambol: 2 patay, 2 grabe

-
Dalawa katao ang iniulat na nasawi habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang mag-rambulan ang isang grupo ng mga magkakabarkadang kalalakihan na pawang lango sa alak sa Libacao, Aklan.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jepti Verano, 18-anyos at Ramil Cortes, 18; pawang manggagawa.

Kinilala naman ang mga malubhang nasugatan na sina Edwin Cortes at ang asawa nitong si Lina na mabilis na isinugod sa Kalibo Hospital.

Sa isinagawang follow-up investigations, ang mga suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay kinilalang sina Diokno Tamayo, Michael Esto alyas Dodoy at isang di pa nakilalang kasamahan ng mga ito.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang pangyayari ay naganap dakong alas-2:40 ng hapon sa Sitio Buyo, Brgy. Rosal, Libacao, Aklan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang umanong pinagbabaril ng mga suspek ang mga biktima matapos na makasalubong sa nasabing lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AKLAN

CAMP CRAME

DIOKNO TAMAYO

EDWIN CORTES

JEPTI VERANO

JOY CANTOS

KALIBO HOSPITAL

LIBACAO

MICHAEL ESTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with