^

Probinsiya

Pulis, 2 pa timbog sa nakaw na cellphone cards

-
TAGAYTAY CITY, Cavite – Isang tauhan ng pulisya na nakatalaga sa Southern Police District Office (SPDO) na pinaniniwalaang bumibiktima ng mga tindahan ng cellcards kasama ang kapatid nito at kaibigan ang nasakote ng Tagaytay PNP kamakalawa ng gabi sa Brgy. Luksuhin, Alfonso, Cavite.

Ang mga suspek na ngayon ay nakapiit sa Tagaytay Municipal Jail ay nakilalang sina SPO1 Eric Ebia, kapatid nitong si Erwin Ebia at si Francis Blando, 33, na pawang mga residente ng Makati City.

Dahil sa reklamo ni Liza Evangelista, may-ari ng tindahan ng cellcards laban sa mga suspek ay kaagad na nakorner ng mga nagrespondeng pulis ang mga suspek na sakay ng kotseng may plakang WCA-438.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang pagnanakaw dakong alas 9:30 ng gabi makaraang pumasok sa tindahan ang mga suspek na nagkunwaring bibili ng mga cellcards na nagkakahalaga ng P5,000.

Subalit hindi nagbayad ang mga suspek at mabilis na sumakay sa kanilang kotse.

Dahil sa pangyayari ay mabilis na tumawag ang biktima sa himpilan ng pulisya at kaagad naman nadakip ang mga suspek. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DAHIL

ERIC EBIA

ERWIN EBIA

FRANCIS BLANDO

LIZA EVANGELISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with