Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mike Beltran, 40, may asawa, may-ari ng Glorias videoke bar at residente ng Block 7, Lot 22 Phase 5, Golden City Subd., Brgy. Anabu, Imus, Cavite.
Samantala ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo ay mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Jo Patambang, may hawak ng kaso, naganap ang krimen dakong ala-1:10 ng madaling araw habang ang biktima ay tumatawag sa kanyang cellphone sa naturang lugar.
Habang ito ay tumatawag ay bigla na lamang sumulpot ang mga suspek at agad itong pinagbabaril.
Tinangay ng mga suspek sa kanilang pagtakas ang cellphone ng biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)