^

Probinsiya

Sundalo todas sa patibong na granada

-
Isang Army Corporal ang iniulat na nasawi habang dalawa pang sundalo ang grabeng nasugatan makaraang aksidenteng sumabog ang granadang itinatanim bilang patibong laban sa pag-atake ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa defense perimeter fence ng isang military detachment sa Talayan, Maguindanao, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang sundalong nasawi na si Pfc. Pep Guiang, ng 37th Infantry Battalion (IB) Pansol Detachment.

Ang dalawang sundalong malubhang nasugatan ay nakilalang sina Sgt. Isidro Naovena at Cpl. Roger Celestial.

Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni AFP Chief of Staff Gen. Diomedlo Villanueva, bandang alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Brgy. Macasampan, Talayan, Maguindanao.

Kasalukuyang naglalagay ng patibong na granada si Guiang sa defense perimeter na ginuguwardiyahan nitong 37th IB detachment na madalas pagtangkaang gapangin ng grupo ng MILF rebels nang biglang sumabog ang granada dahil sa aksidenteng natanggal ang safety pin.

Nadamay din sa insidente ang dalawa nitong kasamahang sundalo na kapwa malubhang nasugatan at isinugod sa Camp Siongco Station Hospital sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP SIONGCO STATION HOSPITAL

CHIEF OF STAFF GEN

DATU ODIN SINSUAT

DIOMEDLO VILLANUEVA

INFANTRY BATTALION

ISANG ARMY CORPORAL

ISIDRO NAOVENA

JOY CANTOS

MAGUINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with