Sinabi ni Immigration Commissioner Andrea Domingo, ang pagkakadakip sa mga illegal Indians ay sanhi ng isang linggung pagmamatyag sa kanilang ikinikilos.
"Walang maipakitang anumang pasaporte o papeles ang mga nasakoteng Indian national nang isagawa ang pagdakip sa naturang lalawigan", dagdag pa ni Domingo.
Tinatayang aabot na sa 50 bilang ng illegal aliens sa bansa ang naaresto magmula ng ilunsad nitong buwan ng Mayo ang panibagong kampanya laban sa mga ito.
Sinabi pa ni Domingo, libu-libong undocumented aliens ang nakapasok na sa bansa nitong nakalipas na taon mula sa southern backdoor. (Ulat ni Rey Arquiza)