Lahat ng biktima na kasalukuyang nasa Cebu Community Hospital ay nakilalang sina Ion Nacilla, Piloto; Paul Abailla, Rey Gallo at Warren Cortez.
Ayon sa ulat, ang nasabing eroplano na pag-aari umano ni Senador John Osmeña at ng Pamplona Planters ay mula sa Mactan International Airport dakong alas-2:10 ng hapon patungong Talibon, Cebu.
Ilang minuto pa lamang na lumilipad ang nasabing eroplano sa ere nang biglang magkaroon ng engine trouble kaya kaagad tumawag ang piloto sa Mactan Control tower upang humingi ng pahintulot na lumapag.
Mabilis namang inutusan ng control tower ang isang pribadong eroplano na sunduin ang Cessna plane upang saklolohan subalit ito ay nag-crashed.
Ang pangyayari ay ikaapat nang aksidenteng naganap sa loob lamang ng isang linggo.
Noong Biyernes lamang ay dalawang helicopter na ang bumagsak sa Palawan na ikinasawi ng labintatlong katao.
Kamakalawa lamang ay nasunog ang isang eroplano ng Cessna na may sakay na pito katao subalit nakaligtas ang mga ito ng maayos na mailapag ng piloto ang nasabing eroplano. (Mga ulat nina Butch Quejada at Rey Arquiza)