Gayunman sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, nanatili pa ring bihag ng mga bandido ang may-ari ng fuso pumpboat na kinilalang si Abdunasser Ho Salim at tatlong iba pa na kasalukuyan pang bineberipika ang mga pangalan.
Sinabi ni Brig. Gen. Romeo Dominguez, Commander ng Joint Task Force Comet, ang mga pinakawalang biktima ay naglakbay pa ng apat hanggang limang oras mula sa karagatan ng Baellan patungo sa Brgy. Kamawi, Patah Island sa Sulu.
Ang mga suspek na pawang armado ng malalakas na kalibre ng baril ay lulan naman ng tatlong pumpboat na galing sa direksyon ng karagatan ng Brgy. Taberlongan, Maluso, Basilan.
Sa kasalukuyan, masusing sinisilip ng mga awtoridad na posibleng paghihiganti ang motibo ng pagdukot sa mga biktima.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga operatiba ng Army’s 103rd Infantry Brigade sa panibagong insidente ng kidnapping na kinasasangkutan ng naturang grupo ng mga bandido. (Ulat ni Joy Cantos)