^

Probinsiya

NAPOLCOM Commissioner nagpaliwanag sa kaguluhan sa Maragondon

-
Mariing pinabulaanan ni Commissioner Police General Rogelio Pureza ng National Police Commission (Napolcom) ang mga bintang ni Maragondon Mayor Teodoro Ramirez na may kinalaman siya sa naganap na kaguluhan sa nasabing lugar.

Sa isang panayam kay Ramirez, inakusahan nito na natakot ang mga taga Maragondon sa mga sundalo at mga armored personnel carrier (APCs) kung kaya hindi lahat nakaboto.

"Walang katotohanan at pawang kabaligtaran ang kuwentong sinasabi ni Ramirez sa media", ani General Pureza.

"Walang APCs at Hummer vehicles, isang tangke lamang ang dala ng aming grupo, ayon sa heneral. Nagha-hallucinate na si Ramirez, siguro dahil sa kawalan ng tulog". Ayon sa Commissioner, napilitan silang pigilan ang dalawang grupo na magkasakitan.

Sinabi niya na may dala siyang Special Order mula sa Department of Interior and Local Government na nagsasaad na deputy arm ng Comelec ang Napolcom upang matiyak ang malinis, tahimik at nasa tamang proseso ang halalan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

COMMISSIONER POLICE GENERAL ROGELIO PUREZA

CRISTINA GO-TIMBANG

GENERAL PUREZA

MARAGONDON MAYOR TEODORO RAMIREZ

NAPOLCOM

NATIONAL POLICE COMMISSION

RAMIREZ

SPECIAL ORDER

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with