3 suspek sa masaker timbog

SORSOGON – Tatlo sa anim na pangunahing suspek sa pagmasaker sa magkapatid na lalaki at pinsan nito ang nasakote ng mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bitan-O ng lungsod na ito.

Ang mga suspek na ngayon ay nakapiit sa Sorsogon Provincial Jail ay nakilala ang magkapatid na Marvin at Rolando Las Piñas at Jimmy Delloso na pawang mga residente ng Brgy. Bagalayas, Castilla, Sorsogon.

Dahil sa ipinalabas na warrant of arrest ng Castilla Municipal Trial Court laban sa mga suspek ay isinagawa ang pagdakip dakong alas-9 ng gabi sa bahay na pag-aari ng kanilang pinsan.

Magugunitang, minasaker ng mga suspek ang magkapatid na Benjamin at Edgar Aringo at pinsan nitong si Carlito Losala noong Mayo 12 ng madaling araw habang ang mga biktima ay nagbabantay ng palaisdaan. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments