Sa isang panayam kay Ramirez, inakusahan nito na natakot ang mga taga Maragondon sa mga sundalo at mga armored personnel carrier (APCs) kung kaya hindi lahat nakaboto.
"Walang katotohanan at pawang kabaligtaran ang kuwentong sinasabi ni Ramirez sa media", ani General Pureza.
"Walang APCs at Hummer vehicles, isang tangke lamang ang dala ng aming grupo, ayon sa heneral. Nagha-hallucinate na si Ramirez, siguro dahil sa kawalan ng tulog". Ayon sa Commissioner, napilitan silang pigilan ang dalawang grupo na magkasakitan.
Sinabi niya na may dala siyang Special Order mula sa Department of Interior and Local Government na nagsasaad na deputy arm ng Comelec ang Napolcom upang matiyak ang malinis, tahimik at nasa tamang proseso ang halalan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)