Paralitiko sinunog ng utol

ATIMONAN, Quezon – Nagmistulang uling na naabo ang isang 53-anyos na paralitiko matapos na sunugin ng kanyang nakababatang kapatid kamakalawa ng hapon sa Barangay Tagbakin sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Antonio Mirandilla, binata, ng naturang lugar habang nadakip naman agad ng mga awtoridad ang suspek nitong kapatid na si Juanito, 23, binata.

Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Bernie Altez, officer on case, dakong alas-5:30 ng hapon, habang natutulog ang biktima nang dumating ang nakababata nitong kapatid na lango sa alak.

Sa hindi nabatid na kadahilanan ay kumuha umano ang suspek ng isang container na gas at walang sabi-sabing binuhusan ang buong kubo saka sinilaban. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments