20 lalawigan nabiyayaan ng patubig
May 19, 2001 | 12:00am
Dalawampung lalawigan ang nabiyayaan ng proyektong patubig ng pamahalaan sa pamamagitan ng Rural Water Supply and Sanitation Sector Project ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay DILG Secretary Joey Lina, kabilang sa mga nakinabang sa water project na ito ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay ang Abra, Kalinga, Apayao, Ifugao, Mt. Province, Batanes, Aurora, Romblon, Masbate, Benguet, Antique, Samar, Leyte, Biliran, Basilan, Surigao del Sur, Agusan del Sur, Sulu at Tawi-Tawi.
Sinabi ni Sec. Lina, umaabot sa kabuuang 1,637 na water projects ang naipatayo sa tinaguriang mahihirap na lugar sa 20 lalawigan.
Aniya, ang proyektong ito ni Pangulong Arroyo ay maghahatid sa taumbayan ng ligtas na inuming tubig partikular sa malalayong barangay sa nasabing probinsiya. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest