2 polling precint pinasabog
May 17, 2001 | 12:00am
Niyanig ng magkakasunod na pagsabog ang dalawang eskuwelahan na pinagdarausan ng canvassing ng mga boto sa magkakahiwalay na karahasang pinaniniwalaang kagagawan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Sultan Kudarat at Cotabato, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naganap ang unang insidente bandang alas-8:30 ng gabi nang bigla na lamang paulanan ng Rocket Propell Grenade launcher ang canvassing area ng Columbio National High School sa bayan ng Columbio, Sultan, Kudarat.
Sa isang insidente, nasa kainitan ng pagbibilang ng mga balota sa Banisilan Central School sa Banisilan, Cotabato ng bigla na lamang may isang di pa nakikilalang lalaki ang bigla na lamang maghagis ng granada at sa likuran ng paaralan ito sumabog.
Bagaman wala namang nasaktan sa magkakahiwalay na insidente ng pagsabog ay binalot ng tensyon ang mga nagsisilbing Board of Canvassers dahil sa pangha-harass ng mga suspek.(Ulat niJoy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended