Hindi pa mabatid ang mga pangalan ng nasawing sibilyan dahil sa nagpulasan ang mga residente habang nasusunog ang kanilang bahay.
Dahil sa kaguluhang naganap sa nabanggit na bayan ay nagtungo si Western Mindanao Commission on Elections Regional Director Atty. Helen Aguila-Flores upang personal na pangasiwaan ang ginanap na botohan.
Nabatid kay Flores na naging mabagal ang unang bugso ng botohan sa nasabing bayan dahil sa pagkakaaresto ng karamihan sa mga residente upang hindi na maulit ang kaguluhan.
Samantala, tinatayang aabot sa 11 kagawad ng pulisya ang inaresto ng militar dahil umano sa pagsuporta nito sa grupo nina Hadani at Sanoh na mahigpit na magkalabang political clan.
Ayon sa isang malapit na kamag-anak ng isang pulis na ayaw ipabanggit ang pangalan dahil sa seguridad ng kanyang buhay, hinubaran daw ng uniporme ang 11 pulis bago pinagtulungang gulpihin at wasakin ang lahat ng communications equipments.(Ulat ni Roel Pareño)