Ang suspek na ngayon ay nakapiit sa detention cell ng Catanduanes PNP ay nakilalang si Leo "Nonong" Mendoza habang inaalam pa ang pangalan ng pito nitong kasamahan .
Ayon sa ulat ng pulisya, dinakip si Mendoza kasama pa ang pitong suporter nito kahit na walang warrant of arrest dahil naaktuhang namimigay ang mga suspek ng envelope na naglalaman ng halagang P400 na may kasamang sample ballot sa mga residente dakong alas-8 ng gabi, kamakalawa.
Sinabi ni Catanduanes P/Director Supt. Charles Calima na habang nagpapatrulya ang isang mobile patrol ay napansin nitong may nagkakagulong mga residente sa grupo ni Mendoza.
Nang puntahan ng mga kagawad ng pulisya ay nasaksihan nilang namimigay ng envelope si Mendoza sa mga residente kaya kaagad nilang inaresto ito.
Pinayagan namang makaboto si Mendoza ni Catanduanes election supervisor Jane Balesa habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa akusado. (Ulat ni Cet Dematera)