12 supporters ng congressional bet niratrat, kritikal
May 12, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba Labindalawang supporters ni congressional bet Edmundo Reyes ng Marinduque ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga kalabang suporter naman ng kalabang panig habang ang mga biktima ay nagmo-motor parade sa kahabaan ng brgy. Kilo-Kilo, Sta. Cruz, ng nabanggit na lalawigan.
Ang mga biktima na ngayon ay nasa Marinduque Provincial Hospital ay nakilalang sina Alexander Dela Rosa, 29; Eustacio Laman, 20; Darius Historillo, 26; Marlon Lupig at Joseph Leal, pawang mga residente ng Brgy. Maybo, Balagasan at Tanza, Boac habang ang anim pang sugatan ay hindi kaagad nabatid ang mga pangalan.
Ayon sa ulat ni Marinduque Provincial Director P/Supt. Roberto Damian, isa sa nakasaksi sa pangyayari ay nakilala ang isa sa mga suspek na isang alyasa Nick, isang tauhan ng magkapatid na kandidato sa pagka-congressman at mayor ng nabanggit na lalawigan.
Naganap ang pangyayari dakong alas 11 ng gabi, kamakalawa makaraang ratratin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sakay ng dalawang L-200van at Pajerong kulay puti na may plakang PRB-544 ang mga biktimang nakasakay naman sa motorsiklo at tricycle.
May hinala ang pulisya na may bahid pulitika ang naganap na pangyayari. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest