Bahay ng supporter ng mayoralty bet sinunog
May 7, 2001 | 12:00am
SAN FERNANDO, Masbate Isang misis na masugid na taga-suporta ng isang mayoralty bet, ang sinunog ang bahay nito ng mga goons sa kalaban na kandidato ng kanyang sinusuportahan sa Sitio Magkaipil sa bayang ito kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang biktima na si Mrs. Lourdes Almenina 40, biyuda at residente ng naturang lugar na masugid na taga-suporta ni mayoralty bet Mrs. Helen Bunan na tumatakbo sa ilalim ng partido LAKAS-NUCD.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang panununog ay naganap dakong alas-3:30 ng madaling araw habang ang pamilya ng biktima ay natutulog sa loob ng kanilang bahay.
Ayon sa ulat ng pulisya, isang grupo ng mga di-nakikilalang kalalakihan na pawang armado ng baril ang bigla na lamang dumating sa bahay ng biktima at walang sabing silaban ang bahay nito.
Subalit ang mag-ina ay kaagad naman na nakalabas ng kanilang bahay kung kaya ang mga ito ay pawang nakaligtas bago pa man matupok ang bahay ng mga biktima.
Napag-alaman na bago naganap ang pangyayari, ang misis na diehard supporter ni Helen Bunan ay sumama pa sa isinagawang rally sa katabing barangay at umuwi dakong alas-12:00 ng hatinggabi matapos ang rally.
May teorya ang pulisya, na ang panununog ay may koneksiyon sa pulitika dahil ibig lamang takutin ang biktima para ito ay tumigil na sa pangangampanya. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest