Estudyante lumaban sa snatcher ng cellphone tinusok
May 4, 2001 | 12:00am
IMUS, Cavite Isang14-anyos na estudyanteng lalaki na tinangkang agawan ng cell phone bago pumalag sa isang hindi kilalang snatcher ang malubhang nasugatan makaraang saksakin ang biktima, kamakalawa ng hapon sa palengke ng naturang lugar.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Phillip Sanchez ng Patindig-araw ng nasabing bayan.
Samantala, ang hindi nakilalang lalaki na mabilis na tumakas mula sa kinaganapan ng krimen ay nabigong makuha ang cellular phone ng biktima.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-6:30 ng hapon kamakalawa habang nakaupo ang biktima sa kanilang owner type jeep at hinihintay ang ina mula sa loob ng palengke ng Imus.
Tinangka ng suspek na agawin ang pinaglalaruang cell phone subalit ito ay nanlaban hanggang undayan siya ng saksak ng patalim.
Mabilis naman isinugod ang biktima sa Imus Family Hospital dahil sa tinamong apat na tama ng saksak ng patalim. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest