Refereee sa pa-liga sinaksak, grabe
May 1, 2001 | 12:00am
QUEZON, Quezon Dahil lamang sa isang maling tawag, isang obrero na umaaktong referee sa isang liga ng basketball ang binaril ng isang miron habang nasa kainitan ang paglalaro ng magkalabang koponan ng Barangay Caridad at Magsino sa Poblacion ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyang nakikipaglaban sa kamatayan sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa sikmura ang biktimang si Percival Cantara, ng Barangay Caridad habang tinutugis naman ng mga awtoridad ang suspect na si Salvador Arellano, 33, ng Barangay Magsino.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dakong alas-8:45 ng gabi ay umaktong referee ang biktima sa pagitan ng mga manlalaro ng Barangay Caridad at Magsino.
Pinituhan umano ng biktima ang isa sa manlalaro sa hindi binanggit na violation bagay na hindi nagustuhan ng suspect.
Sa pag-aakala ng suspect na dinadaya at pumapanig sa kalabang koponan ang biktima ay pumagitna ito sa basketball court saka binaril nang malapitan ang referee.
Dahil sa nilikhang kaguluhan ay natigil ang liga at nagpanakbuhan ang mga tao at iniwang nakabulagta sa semento ang sugatang biktima. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest