3 sundalo, CAFGU todas sa ambush ng Sayyaf
April 30, 2001 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Tatlong sundalong Scout Rangers at isang miyembro ng Civilian Arm Forces Group Unit (CAFGU) ang nasawi matapos tambangan ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) kahapon ng umaga sa bayan ng Panglima Estino, Sulu.
Sa ulat ni Col.Juvenal Narcise, tagapag-salita ng Task Force Comet at hepe ng Task Force Zamboanga na dakong alas 10:00 ng umaga ay lulan ng isang jeep ang mga elemento ng 36th Reconnaisance Scout Ranger Company kasama ang isang miyembro ng Cafgu nang tambangan ang mga ito ng grupong Abu Sayyaf sa may Bgy. Kabungcol.
Mabilis namang tumakas ang mga ASG sa hindi malamang direksyon nang magsisidatingan ang tropa ng pamahalaan para sumaklolo.
Hindi pa mabatid ang mga pangalan ng mga nasawi. (Ulat ni Roel D. Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest