^

Probinsiya

Local leader ng Partido ng Manggagawa, niratrat, patay

-
IMUS, Cavite – Binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang kalalakihan ang isa sa founding member ng party list group Partido ng Manggagawa (PM) chapter sa Cavite at sinasabing isa ring campaign leader ni Cavite Gov. Ramon "Bong" Revilla Jr., habang ito ay lulan ng kanyang jeep papauwi sa kanilang bahay sa may Anabu Hills, Barangay Anabu 1-A ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa panga at likod na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan ay nakilalang si Emmanuel Ibe,35, pangulo ng 1,300- strong labor union ng Liwayway Manufacturing at founding member ng PM at naninirahan sa Block 18, Lot 18, Liwayway Subdivision, Barangay Anabu 1-C ng bayang nabanggit.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Felix Malinis, may hawak ng kaso dakong alas-6:45 ng gabi ng maganap ang pananambang habang ang biktima ay lulan ng kanyang pampasaherong jeep papauwi na sa kanilang bahay nang biglang sumakay dito ang dalawang hindi nakikilalang suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.

Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang. (Ulat ni Cristina Timbang)

ANABU HILLS

BARANGAY ANABU

CAVITE

CAVITE GOV

CRISTINA TIMBANG

EMMANUEL IBE

FELIX MALINIS

LIWAYWAY MANUFACTURING

LIWAYWAY SUBDIVISION

REVILLA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with