Sa ulat na tinanggap ni Chief Supt. Enrique Galang Jr., Central Luzon police director na ang labanan ay nagsimula dakong alas-10:20 ng umaga at tumagal ng halos isang oras na dito tatlo sa mga rebelde ang nasawi.
Ang mga ito ay iniwan ng kanilang mga kasamahan sa pagtakas.
Narekober sa lugar na pinangyarihan ng labanan ang apat na M16 armalite rifles at isang M14 assault rifles. (Ulat ni Ric Sapnu)