Ang biktimang si Oscar Torralba,56 anyos ay ikalawang kandidato sa nasabing posisyon ang napatay sa loob lamang ng apat na araw sa lalawigang ito.
Sa pagsisiyasat ng pulisya na nangangampanya ang biktima dakong alas-9:30 ng umaga ng isa sa mga kinakamayan nito na nakilalang si Kumander Lyndon na pinaniniwalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang biglang nagbunot ng baril at binaril ng tatlong beses ng malapitan sa ulo at katawan ang biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas ang suspek sa hindi mabatiid na direksyon.
Ayon naman sa kapatid ng napaslang na si Incumbent Mayor Rufino Torralba na ang maaaring pumaslang sa kanyang kapatid ay ang kalaban nito sa pulitika na nagbayad lamang sa mga rebeldeng NPA.
Sinabi rin ng pulisya na si Torralba ay pang-labimpitong kandidato na napatay sa pagsisimula ng kampanya ng halalan noong nakalipas na buwan. (Ulat ni Ben Serrano)