Sa isang panayam, sinabi ni Ed Villacorte, volcanologist ng Phivolcs na dapat na mabigyan ng police power ang mga tauhan ng Negros at Bicol region para maipatupad ang agarang pagpapaalis sa kanilang tirahan ang mga residenteng nakatira sa paligid ng nasabing mga bulkan.
Ito ayon kay Villacorte ay upang higit na mapangalagaan ang buhay ng mga residente hinggil sa bantang pagsabog ng buklang Mayon at Kanlaon.
Nananatili anyang matigas ang ulo ng mga residenteng nakatira malapit sa paligid ng mga aktibong bulkan.
Sa kasalukuyan, ang bulkang Mayon ay patuloy na nagbubuga ng usok na may taas na 200 metro, 11 volcanic quakes, 3 tremors at nananatiling nasa alert level 3 at pinaiiral dito ang 6 kilometer danger zone.
Samantalang ang Mt. Kanlaon, patuloy din ang pagiging abnormal nito at pinaiiral dito ang 4 kilometer danger zone. (Ulat ni Angie dela Cruz)