^

Probinsiya

Police power hiling ng Phivolcs

-
Upang higit na mapangalagaan at maprotektahan ang buhay ng mga taga-Bicol at Negros, iginiit kahapon ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) na mabigyan sila ng police power sa kaso lamang ng Mt. Mayon sa Bicol at Mt. Kanlaon sa Negros.

Sa isang panayam, sinabi ni Ed Villacorte, volcanologist ng Phivolcs na dapat na mabigyan ng police power ang mga tauhan ng Negros at Bicol region para maipatupad ang agarang pagpapaalis sa kanilang tirahan ang mga residenteng nakatira sa paligid ng nasabing mga bulkan.

Ito ayon kay Villacorte ay upang higit na mapangalagaan ang buhay ng mga residente hinggil sa bantang pagsabog ng buklang Mayon at Kanlaon.

Nananatili anyang matigas ang ulo ng mga residenteng nakatira malapit sa paligid ng mga aktibong bulkan.

Sa kasalukuyan, ang bulkang Mayon ay patuloy na nagbubuga ng usok na may taas na 200 metro, 11 volcanic quakes, 3 tremors at nananatiling nasa alert level 3 at pinaiiral dito ang 6 kilometer danger zone.

Samantalang ang Mt. Kanlaon, patuloy din ang pagiging abnormal nito at pinaiiral dito ang 4 kilometer danger zone. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BICOL

CRUZ

ED VILLACORTE

MAYON

MT. KANLAON

MT. MAYON

PHILIPPINE VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with