^

Probinsiya

Warrant of arrest ilalabas na laban sa mga opisyal ng Ilocos Sur

-
Ikinalungkot ni Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson ang balitang mauuna pang ipalabas ang warrant of arrest para sa ilang opisyal ng pamahalaan sa Ilocos Sur kaysa sa warrant of arrest ni dating Pangulong Joseph Estrada para sa kasong plunder.

Ayon kay Singson, inaasahan niyang mas mauunang ipalabas ng Sandiganbayan ang warrant laban kay Estrada kaysa sa warrant ng kanyang mga ka-lalawigan.

Isang source sa Sandiganbayan, ang nagsabi na nakatakda ng ipalabas ang warrant of arrest para sa mga opisyal ng pamahalaan ng Ilocos Sur dahil sa kasong falsification of public documents at ilegal na pagpapalabas ng pondo mula sa tobacco excise tax sa nasabing lalawigan.

Binanggit ni Singson na mas dapat unahin ang warrant of arrest laban kay Estrada dahil mas malaki ang kasalanan nito kumpara sa kasalanang nagawa ng ilang opisyal sa kanyang lalawigan.

Ang mga nakatakdang arestuhin ay sina Ilocos Sur Vice- Gov. Deogracias Victor Savellano, Provincial Treasurer Antonio Gundran, Provincial Accountant Carolyn Pilar, Provincial Budget Officer Erlita Arce, General Services Officer Enrie Mendoza at mga kawaning sina Leonila Tadena, Estrella Mercurio, Dionisia Pizarro at Cornelio Almazan.

Ang kaso laban sa mga nabanggit ay bunsod na rin sa umano’y manipulasyon ng mga ito sa ilang dokumento upang maipalabas na maayos ng Commission on Audit report ukol sa P170 milyon tobacco excise tax.

Gayunman, matatandaang sinabi ni Singson na ang P130 milyon sa nasabing halaga ay personal niyang dinala sa tahanan ni dating pangulong Estrada sa Greenhills, San Juan. (Ulat ni Malou Rongalerios )

CORNELIO ALMAZAN

DEOGRACIAS VICTOR SAVELLANO

DIONISIA PIZARRO

ESTRELLA MERCURIO

GENERAL SERVICES OFFICER ENRIE MENDOZA

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR GOV

ILOCOS SUR VICE

LEONILA TADENA

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with